Advertisers
NALITSON ng buhay ang apat katao na halos hindi na makilala ang kanilang mga bangkay nang masunog ang sinasakyang kotse na bumangga sa poste ng street lights sa Barangay Anquiray, Amulung, Cagayan.
Kinilala ang mga sakay ng kotse na sina Nicole Molina, driver at negosyante ng Brgy. Centro; 3 tauhan nito na sina Oliver Taganna, Jr.; Benjie Pascual; at Michael Indita, pawang nasa tamang edad at residente ng Brgy. Estefania ng nasabing bayan.
Ayon kay PLt. Linda Domingo, Deputy Chief of Police ng Amulung Police Station, natukoy lamang ang pagka-kakilanlan ng mga biktima batay sa kuha ng CCTV camera sa pwesto ng kanilang pagka-kaupo sa sasakyan nang sumakay sila para pauwi na sana.
Sa report, 10:45 ng gabi nitong Sabado nang mangyari ang kaguluhan sa restaurant cafe na pagmamay-ari ni Molina sa Brgy. Anquiray na agad namang napahupa.
Pagkatapos nito, ihahatid pauwi ni Molina ang kanyang mga tauhan. Pero hindi paman nakalayo nng bumangga ang kanilang sasak-yan sa isang poste ng ilaw at dumiretso sa puno ng acasia hanggang sa magliyab ito.
Bunsod ng pagkakabangga, nag-spark ang wire at su-mabit sa sasakyan na naging dahilan upang masunog ang kotse kasama ang mga biktima na halos ‘di na makilala.
Napag-alaman na mabilis ang takbo ng nasabing sasakyan dahil lumagpas sila sa isang checkpoint bago ang pinang-yarihan ng aksidente.(Rey Velasco)