Advertisers
PORMAL nang inendorso ni 6th district Congresswoman Sandy Ocampo sina Manila Mayoral aspirant Atty. Alex Lopez, Vice Mayor candidate Raymond Bagatsing at buong Team Pagbabago ng Distrito 6 nitong Sabado, Marso 12, 2022 sa Punta Area, Manila.
Ipinahayag ni Congw. Ocampo na walang ibang karapat dapat na maging Mayor ngayon sa Maynila kung hindi si Alex Lopez.
Ayon kay Ocampo sobrang ‘qualified’ si Lopez, dahil isa itong kapitagpitagang abogado, professor, ekonomista at mayroon magandang record ang buong pamilya sa Maynila.
Tahasang sinabi ni Ocampo na pinabayaan ni kasalukuyang VM Honey Lacuna-Pangan na malubog ang Maynila sa bilyon-bilyong pagkakautang.
Nagbiro pa si Congw. Ocampo, na halata ang pagiging masungit ni Honey at hindi bumababa sa Punta Sta. Ana.
Aniya, malamang ngayong eleksyon maiisipan ni Honey na manikluhod sa mga residente ng Punta Sta. Ana, na parte din naman ng Maynila.
Nagpapasalamat naman ang Team Pagbabago sa pangunguna ni aspirante Mayor Atty. Alex Lopez sa naging mainit na pagtanggap at walang sawang pagsuporta ng mga taga Punta Sta. Ana.
Sinabi ni Lopez na makakaasa ang lahat na malapit na nilang makamit ang tunay na pagbabago at kaginhawahan sa buhay.
Ipinahayag pa ni Atty. Alex na handa niyang suportahan anumang kulay mayroon ang isang politiko kung sa tingin niya makakatulong naman ito sa pag-unlad at pagbabago ng bansa o ng pamayanan.