Advertisers

Advertisers

3 sekyu binaril ng bisita sa condo: 1 patay

0 480

Advertisers

PATAY ang isang security guard sa isang condominium at sugatan ang dalawa nitong kasama nang pagbabarilin ng isang Chinese sa Taguig City, Sabado ng gabi.

Sa ulat, nang-agaw pa ng kotse ang salarin na si Tan Xing o Tan Zhennan.

Ayon sa PNP Taguig Investigation Division, rumesponde ang tatlong security guards sa commotion sa condominium unit sa Barangay Ususan, 10:00 ng gabi.



Inabutan ng guards na nag-aaway ang apat na tao sa unit, kabilang na si Tan Xing na bisita sa condo.

Sinamahan ng tatlong guards pababa si Tan Xing pero pagdating sa gate ng condominium, bigla itong bumunot ng baril at pinagbabaril ang mga guwardiya nang malapitan.

Dead on the spot ang isang sekyu. Ang isa pang guard ay tumakbo papalayo pero hinabol ni Tan Xing, binaril at tinamaan din.

Pagkatapos, hinarang ni Tan Xing ang kotse ng isang papasok na tenant, tinutukan ng baril, pinababa at inagaw ang kotse at tumakas.

Binangga pa ni Tan Xing ang boom ng guardhouse dahil sa pagmamadali.



Nakunan ng CCTV ang pamamaril, pero wala pang nilalabas na kopya ang condominium.
Stable na ang condition ng dalawang guards na nasa ospital.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, nabatid na nakulong na dati sa Parañaque si Tan Xing, 22, sa kasong physical injury. Pero nagpiyansa ito noong March 4.
Kakasuhan si Tan Xing ng murder at carnapping.

Patuloy ang paghahanap kay Tan Xing ng mga awtoridad na naglabas ng mugshot nito, at description ng kotseng inagaw na isang grey Honda City (DR 2911).

Nananawagan ang mga pulis sa sino mang nakakilala kay Tan tumawag lamang sa 8642-2062 ng Taguig City Police.

Iniimbestigahan din ng mga pulis ang pinagmulan ng commotion sa condominium dahil may nakuhang droga sa unit.