Advertisers

Advertisers

Bebot nabuang sa selos, sinunog ang mukha

0 426

Advertisers

SINUNOG ng isang babae ang kanyang mukha dahil sa selos sa Panabo City, Davao del Norte.

Ayon sa ulat, nagulat na lamang ang ilang tao sa isang palengke noong Marso 7 nang makita nilang nagliliyab ang mukha ng babaeng kinilala bilang si “Marie”.

Agad na rumesponde ang mga nakakita kay Marie at pinatay ang apoy sa mukha nito.



Ngunit lumayo raw agad ang babae at muling pinag-apoy ang mukha. Bukod sa pagsunog sa mukha, sinadya rin lunukin ni Marie ang apoy.

Kaya bukod sa sunog na mukha, nadale rin ang daanan ng hangin sa kanyang lalamunan.
Kasalukuyang nasa Southern Philippines Medical Center si Marie na lapnos at puno ng sugat ang mukha.

Batay sa imbestigasyon, nagsimula ang matinding emosyon ng babae noong Pebrero nang makita niya na may ibang babae sa Facebook ang kanyang mister. Palagi raw ka-vi-deo call ng asawa ni Marie ang babae.

Bukod sa selos, sinabi rin ni Marie sa doktor na may mga naririnig siyang boses ilang sandali bago niya pagliyabin ang sariling mukha.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">