Advertisers

Advertisers

BULACAN GOV., MGA KAALYADONG OPISYAL INENDORSO SI LENI

0 343

Advertisers

NAGSANIB-PUWERSA na ang pinakamalalakas na mga pulitiko sa Bulacan para iendorso ang kandidatura ni Vice President Leni Robredo para sa pagkapangulo.

Pormal na inendorso ni Bulacan Governor Daniel Fernando at ng mga kaalyado niyang lokal na opisyal si Robredo sa isang press conference sa makasaysayang Barasoain Church sa Malolos nitong Lunes, Marso 14.

Sa kaniyang mensahe, sinabi ni Fernando na naniniwala siya sa tapat na pamumuno at tunay na pagmamalasakit ni Robredo para sa mga Pilipino.



“Ang aking ipapahayag sa araw na ito ay walang halong ibang motibo maliban sa pagtindig sa prinsipyo para sa ikabubuti ng ating mga kababayan,” wika ni Fernando.

“Ako po ay taos-pusong naniniwala sa matapat at mapanagutan at mapagkalingang serbisyo, serbisyo publiko ng lider na ito. Napagtanto ko po na nasa kanya ang puso, talino, at katatagan na maiaangat ang pamumuhay ng bawat Pilipino,” dagdag niya.

Diin pa ni Fernando, sa lahat ng tumatakbong pangulo, si Robredo lang ang pasok sa kwalipikasyon para mamuno sa bansa dahil sa kaniyang malinis na track records, walang bahid ng korapsyon.

Nagpasalamat naman si Robredo sa pagtindig ni Fernando at sa mga lokal na opisyal sa Bulacan sa kabila ng magkakaiba nilang partido sa ngalan ng prinsipyo.

“Si Governor Daniel ‘yung nakapag-encapsulate na itong pag-endorse, hindi ito ‘yung pagdikta ng kagustuhan. Pero sana, ito ‘yung magbigay-daan para yung ating mga kababayan ay ‘yung tamang discernment process ‘yung gagawin,” ani Leni.



Matatandaan na napakainit na suporta ang sumalubong sa Tropang Leni-Kiko nang sila ay nagsagawa ng People’s Rally sa New Malolos City Hall noong nakaraang linggo, kungsaan 45,000 Bulakenyo ang nakilahok sa pagtitipon para suportahan si Leni.