Advertisers

Advertisers

Fuel subsidy ng jeepney drivers matatanggap na ngayong araw

0 477

Advertisers

MATATANGGAP na ng mga jeepney driver ang kanilang fuel subsidy ngayong araw (Martes), Marso 15.

Kinumpirma ito ni DOTr representative Joemier Pontawe sa pagdinig ng Senado nitong Lunes na nasa 136,000 na mga jeepney driver ang makikinabang sa subsidiya sa pamamagitan ng kanilang Pantawid Pasada cards.

Subalit paglilinaw ng ahensya, tanging ang mga jeepney drivers lang muna ang makakatanggap ng ayuda habang kinakailangang maghintay ng ikalawang kwarter ang iba pang uri ng transportasyon gaya ng mga tricycle.



“For the other modes of transportation, para mapabilis po, ang ginagawa namin is kumukuha na po kami ng mga bank information nila, lalo na kung may LandBank sila,” ayon kay Pontawe.

“We’re also exploring other distribution mechanisms to facilitate po faster. This is okay for companies na malalaki ‘yung [with a big] fleet or consolidated sila,” paliwanag pa ni Pontawe.

Sinabi pa ni Pontawe, nakikipag-ugnayan na rin ang DOTr sa Department of the Interior and Local Government para sa subsidiya ng mga tricycle drivers, gayundin sa Department of Trade and Industry (DTI) para naman sa mga service delivery drivers.

Pero sabi ni Sherwin Roy Calumba ng DOTr, baka matagalan pa bago maipamigay sa tinatayang 43,000 na tricycle drivers ang kanilang fuel subsidy dahil na rin sa mga kinakailangang koordinasyon.

“I think possibly sometime between the second quarter po siguro [maybe], but then again this will be subject to the actual coordination which is ongoing,” ani Calumba sa hearing ng Senado.



Sa ilalim ng Pantawid Pasada Program, mabibigyan ng tulong pinansyal ang mga PUV drivers bilang tugon sa patuloy na pagsipa ng presyo ng langis.