Advertisers
SUGATAN ang isang kandidato sa pagka-mayor nang barilin habang naglalakad papauwi sa Calamba, Masamis Occidental.
Nasa stable na kalagayan ang biktimang si George Matunog Jr., 55 anyos, ng Purok 1, Poblacion, Calamba,.
Sa report, 9:20 ng umaga nang maganap ang pamamaril sa Purok 1.
Naglalakad pauwi ng bahay ang biktima nang dumalo sa pagbubukas ng isang convenience store nang tapatan ng mga salarin sakay sa isang motorsiklo.
Pinaputukan ng salarin ang biktima na tinamaan sa leeg, tumagos sa kanang pisngi, at mabilis na tumakas
Agad naman dinala ang biktima sa Calamba District Hospital upang malapatan ng lunas.
Patuloy pa ang isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad at pagtingin sa kuha ng mga CCTV sa lugar upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin at mada-kip ang mga ito.(Mark Obleada)