Advertisers

Advertisers

Accountant may 111 counts ng qualified theft, huli

0 437

Advertisers

Nalambat ang 43 –anyos accountant na sangkot sa 111 kasong qualified theft at may nakalaang P5.3 milyong piyansa ng Parañaque Police habang papasok sa kilalang casino, sa Parañaque City, Lunes ng hapon.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director P/Brig. General Jimili Macaraeg ang nadakip na si Ramon Andal Gamboa, most wanted kaugnay at may mga warrant of arrest sa kasong paglabag sa Article 310 ng Revised Penal Code (Qualified Theft) na inisyu ni Hon. Judge Brigido Artemon Luna II ng Parañaque Regional Trial Court Branch 196 noong Disyembre 14, 2021 na may inirekomendang P5,318, 000.00 para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Sa ulat, 5:45 ng hapon nang arestuhin si Gamboa sa entrance ng Solaire Resort and Casino sa Brgy. Tambo, Parañaque City ng mga tauhan ng Parañaque City Police Sub-station 2 sa pamumuno ni P/Major Jolly Soriano.



Nakadetine pa sa Parañaque Police detention facility si Gamboa habang hinihintay ang commitment order at return of the warrant of arrest sa korte.