Advertisers

Advertisers

Bgy. chairman patay sa ambush

0 265

Advertisers

Patay ang isang barangay chairman nang pagbabarilin ng dalawang nakamotorsiklo sa Barangay Panapaan 8, Bacoor City, sa Cavite.

Sa report, kinikala ang biktimang si Jaime Alamo, barangay chairman ng Panapaan 8, Bacoor City na idineklarang dead on arrival sa St. Dominic Hospital dahil sa natamong tama ng mga bala sa kanyang katawan.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya at inaalam na ang pagkakakilanlan ng dalawang salarin na kapwa nakamotor na mabilis na nagpulasan matapos ang krimen.



Napag-alaman na minamaneho ng biktima ang kanyang Toyota Wigo na may plakang DAC 8384 nang pagbabarilin ito ng dalawang kalalakihan na nakamotorsiklo sa kahabaan ng Niog Road, Brgy Niog 2, Bacoor City, Cavite 7:40 Sabado ng gabi.

Matapos ang pamamaril tumakas ang mga salarin sa direksiyon ng Molino Boulevard habang ang biktima isinugod sa ospital subali’t namatay din ito.

Inaalam pa rin ng pulisya ang motibo sa nasabing pamamaslang.