Advertisers

Advertisers

Bomb maker expert, 2 pa arestado

0 411

Advertisers

NADAKIP ng militar ang 3 notoryus miyembro ng New People’s Army (NPA) kabilang ang eksperto sa paggawa ng bomba kamakailan sa Tagum City.

Kinilala ang mga nadakip na sina Victor Rollon, mas kilala bilang Rico Rollon, bomb maker ng Komisyong Mindanao (KOMMID) at Southern Mindanao Regional Committee (SMRC); Christine Joy Adorza Dula, finance officer ng NPA Guerrilla Front 3 (GF3), Sub-Regional Committee 4 (SRC4), SMRC; at Chargelyn Monta Casquejo, political instructor ng Pulang Bagani Command (PBC), Regional Operations Command (ROC), SMRC.

Naaresto ang mga suspek ng pinagsamang pwersa ng Armed Forces’ focus operations at National Task Force Ending Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).



Narekober sa mga suspek ang IEDs, M16 rifle, .45-caliber pistol, mobile phones, medical equipment, at mga dokumento.

Ayon kay Lt. Gen. Greg Almerol, Eastmincom commander, wanted si Rollon sa kasong murder at serious illegal detention; habang nahaharap si Dula sa kasong rebellion at insurrection; at kasong homicide si Casquejo.

Sinabi pa ni Almerol na ang pagkakadakip sa mga suspek sa tulong na rin ng mga dating rebelde at komunidad sa pamamagitan ng pagbahagi ng mga impormasyon.

“(This has led) to the continued surrender and recovery of various firearms as well as improvised explosive devices (IEDs),” ani pa ni Almerol.

Sa huling talaan nitong Marso 11, nakapagtala ang Eastmincom ng kabuuan 48 APMs ang narekober na nakuhang muli ng mga tropa na halos kalahati ng 97 na nakuha noong 2021.



Ang CPP-NPA ay nakalista bilang isang teroristang organisasyon ng Estados Unidos, European Union, United King dom, Australia, Canada, New Zealand, at Pilipinas.

Pormal ding itinalaga ng Anti-Terrorism Council ang National Democratic Front bilang isang teroristang organisasyon noong Hunyo 23, 2021, bilang “isang integral na bahagi” ng CPP-NPA na itinatag noong Abril 1973.