Advertisers

Advertisers

Mag-ina natusta sa sunog sa mall

0 204

Advertisers

Patay ang mag-ina sa sunog sa isang mall sa General Trias, Cavite, nitong Lunes ng gabi.

Ayon sa provincial fire commander ng Cavite na si Fire Superintendent Rene Bullos, isang 31-taon gulang na babae; at 2-taon gulang nitong anak ang namatay sa sunog.

Sa ulat, kahit maulan umabot sa ikaapat na alarma ang sunog. Aabot sa 20 firetrucks, kabilang ang ilan na galing pang Metro Manila, ang rumesponde para maapula ang apoy.
Pasado 8:00 ng gabi nang ideklarang fire out ang sunog.



Ani Bullos, nakitang magkayakap sa isang sulok sa second floor ng mall ang bangkay ng mag-ina.

Iniimbestigahan na kung magkano ang halaga ng nasunog na ari-arian at kung ano ang pinagmulan ng apoy.