Advertisers
INAASAHANG magkaroon ng malaking bawas sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ito ay matapos ang 11 sunod na linggong oil price hike.
Batay kasi sa unang araw ng trading sa world market, malaki ang ibinagsak ng presyo ng langis.
“If the trend continues, there’s a big possibility that the rollback can be as high as P10 in diesel and more than P4 on gasoline,” ayon kay Jetti Petroleum President Leo Bellas.
“Hopefully if the first 2 to 3 days of trading will be maintained, the level, it (rollback) can happen,” dagdag ni Bellas.
Nitong Martes, nagpatupad ang maraming oil company ng P13.15 taas-presyo sa kada litro ng diesel at P7.10 sa gasolina. (Josephine Patricio)