Advertisers
NAPANALUNAN ng isang mananaya ang mahigit P98-milyon jackpot ng Grand Lotto 6/55 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PSCO) Lunes ng gabi sa Mandaluyong City.
Ayon sa PCSO, isang mananaya mula sa Negros Occidental ang nakasungkit ng jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 na may kombinasyon na 09-17-45-39-35-15 at may premyong P98,551,582.00.
Sinabi ni PCSO General Manager Royina M. Garma, nabili ang tiket ng maswerteng mananaya sa isang outlet sa La Carlota City. Samantala siyam katao naman ang magkakapag-uwi ng tig-P100,000.00 matapos na makakuha ng lima sa anim na kombinasyon.