Advertisers
OPISYAL nang idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Administration (PAGASA) ang pagsisimula ng dry season o panahon ng tag-init.
Ayon sa PAGASA, tapos na ang panahon ng amihan o northeast monsoon kaya asahan na ang mas mainit na panahon sa mga susunod na araw.
Habang ang mga pag-ulan sa bansa ay maiimpluwensyahan na ng easterlies o hanging nagmumula sa karagatang pasipiko at asahan na rin ang mga localized thurstorm.
Payo ng PAGASA sa publiko, mag-ingat laban sa heat stress.
Bagama’t mainit, mainam din na magtipid sa pagkonsumo ng tubig sa harap na rin ng nagbabadyang pagbaba ng tubig sa angat dam ngayong summer.