Advertisers
ARESTADO ang isang punong barangay at pangulo ng Association of Barangay Chairpersons (ABC) at kasama nito nang mahulihan ng iligal na droga sa isinagawang drug buy bust operation ng Philippine National Police (PNP) and Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Miyerkoles sa bayan ng Matalom, Leyte.
Kinilala ang nadakip na si Rogelio Daño alias “Elmer”, 57; at Cesario Daño Lambujon, 35, kapwa residenteng Barangay Sta. Fe, Matalom Leyte.
Sa report ng Bato Municipal Police Station, 7:15 ng gabi nang madakip ang mga suspek sa kahabaan ng baywalk sa Brgy. Kalanggaman, Bato Leyte.
Ayon sa pulisya nakatanggap sila ng report hinggil sa pagbebenta ng shabu ng mga suspek at sinubukan nilang bumili kina Daño .
Nakuha sa mga suspek ang 3 pirasong transparent plastic sachets na naglalaman ng shabu na may bigat na 100 gramo at nagkakahalaga ng P680,000; puting envelope na may laman na P15,000; buy-bust money, black digital weighing scale at kulay puting Toyota Fortuner na may plate number HAA 5717.
Tinagurian si Daño na High Valued Individual at isa sa pinakamalaking supplier ng shabu sa 5th District, Leyte hanggang sa iba pang bahaging lugar sa Southern Leyte.
Kasalukuyan nasa kustodiya ng PDEA-8 ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 and 11 of Article II of the Republic Act 9165 or the Comprehensive Law Against Illegal Drugs of 2002.(Mark Obleada)