Advertisers

Advertisers

Call Center agent pinatay ng bugaw

0 452

Advertisers

Patay ang isang homosexual na 19 anyos na call center agent na pinagsasaksak ng bugaw nang hindi magbayad sa binatilyo na kanyang nakatalik sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Kinilala lamang ang salarin sa alyas Iking, 18, binata, barker at residente ng Brgy. Kaypian; habang ang biktima itago sa pangalang “Marlon”, 19, call center agent ng Barangay Sto. Niño; at ang isa pang biktimang 14-anyos na ibinugaw na itago sa pangalang “Boyong”
Sa report, natuklasan ang bangkay ni Marlon 5:30 ng hapon nitong Marso 14 sa bakante at madamong lote ng isang subdibisyon sa Brgy. Sto. Cristo.

Ayon sa impormasyon, unang iniulat ng ama ng biktima sa istasyon ng pulisya na nawawala ito noong Marso 13 na namataang sakay ng isang shuttle bus 3:15 ng umaga.
Dahil dito, nagsagawa ng imbestigasyon ang pulisya hanggang sa makakuha ng CCTV footages at matunton kalaunan ang biktima na may kasamang dalawang teenager sa direksyon sa nabanggit na lugar.



Kasunod nito, agad nagsagawa ng follow up operation ang pulisya kaya nahuli ang suspek na inginuso na rin nang ibinugaw.

Lumalabas sa imbestigasyon at pag-amin na rin ng minor na ibinugaw, nagalit ang salarin sa biktima nang takasan ang bayad sa pakikipagtalik sa kanya.

Nang malaman ni Iking na tumakas ang biktima ay hinabol niya ito hanggang sa pagsasaksakin at tuluyang namatay sa madamong lugar.

Nalamang kinuha din ng salarin ang cellular phone bago tumakas hanggang sa pagbantaan ang minor na ibinugaw na sasaktan sakaling magsumbong kanino man.

Nahaharap sa kasong murder, robbery at paglabag sa RA 7610 ang salarin na humihimas na ng rehas na bakal sa naturang istasyon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">