Advertisers

Advertisers

Automatic tax suspension sa oil products itinutulak sa Kamara

0 371

Advertisers

ITINUTULAK ni Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo na magkaroon ng batas para sa otomatikong tax suspension sa mga produktong petrolyo at langis.

Aniya, dapat makabuo ng isang batas kung saan magpapatupad ng automatic fuel tax suspension sa tuwing ang halaga ng krudo sa pandaigdigang pamilihan ay papalo sa $80 kada bariles.

Bagama’t mayroon ganitong probisyon ang Tax Reform Acceleration and Inclusion Law o TRAIN Law, ito ay epektibo lamang para sa mga taong 2018 hanggang 2020, o yung transition period.



Punto ng lady solon, kung mayroon lamang sana aniyang batas para sa automatic suspension sa fuel excise tax ay naipatupad na sana ito agad para bigyang kaluwagan ang publiko lalo at umabot na sa $130 ang kada bariles ng crude oil sa world market bunsod ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine. (Henry Padilla)