Advertisers

Advertisers

Bilang ng Pinoy na nawalan ng trabaho bumaba – PSA

0 324

Advertisers

IKINATUWA ng Malakanyang ang ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho noong Enero 2022.

Sinabi ni acting presidential spokesman Martin Andanar, kaya nabawasan ang bilang ng mga walang trabaho dahil sa pagbababa ng Alert Level System dahil pababa na ang mga tinatamaan ng COVID-19.

Base sa ulat ng PSA, nasa 2.93 milyong Filipino na lamang ang walang trabaho noong Enero kumpara sa 3.96 milyon na walang trabaho noong Enero 2021.



Nangangahulugan ito ng pagbaba ng 1.04 milyong Filipino na walang trabaho.

“We attribute the improvement in the employment situation to the effective recalibration of our strategies with the shift to Alert Level System, and with more parts of the country being classified to Alert Level 1, our Economic Team estimates 170,000 less unemployed workers over the next quarter,” pahayag ni Andanar.

Patuloy aniya ang relief efforts ng pamahalaan para makabilis na makabangon ang bayan sa pandemya.