Advertisers

Advertisers

Comelec all set na para sa Pilipinas Debates 2022

0 153

Advertisers

INANUNSYO ni Commission on Elections (COMELEC) Spokesperson Director James Jimenez na all set na ang komisyon para sa gagawing Pilipinas Debates 2022 ngayong Sabado, Marso 19 at Marso 20 sa Sofitel Tent sa Pasay City.

Siyam na presidential candidates ang kumpirmadong dadalo sa isasagawang Presidential Debate ng Comelec maliban kay Bongbong Marcos Jr.

Alas-7:00 ng gabi magsisimula ang debate.



Ang mechanics, habang hindi pa nagsisimula ang debate ay mananatili muna sa holding area ang presidential candidates saka pa lamang sila pupunta roon sa debate area kapag magsisimula na ito.

Sa debate area ay may sampung podium na may kani-kaniyang upuan at hindi naman aalisin ang podium na nakalaan para kay presidential candidate Bongbong Marcos Jr..

Walang audience sa gagawing debate, ngunit may inilaang mga upuan para sa mga preparation team ng mga kandidato. (Josephine Patricio)