Advertisers
Bumgasak ang isang Cessna plane (RPC-5230) sa karagatan na sakop ng Barangay Sto. Rosario, Iba, Zambales, nitong Huwebes.
Ayon kay Zambales Police Provincial Office Director Police Colonel Fitz Macariola, naiulat ang insidente, 7:05 ng umaga na kung saan may 7 sakay ang eroplano kabilang ang piloto.
Sa ulat mula sa Police Regional Office 3, natukoy ang piloto ng bumagsak na aircraft na si Captain Mel Bidayan, Captain Florencio Ruiz, Captain Jamel Reamon, Captain Albrench Sagario, Captain Carmelita Bidayan, Captain Ian Vincent Agdamag, at Captain Robin Austria.
Sa report, nagtamo ng minor injuries ang mga biktima na isinugod sa President Ramon Magsaysay Provincial Hospital para malapatan ng lunas.
Naligtas ng mga tauhan ng PNP Maritime Group sa tulong ng mga lokal na mangingisda ang pitong student pilot.
Narekober ang mga biktima sa karagatan na may 500 metro mula sa baybayin ng Bgy Sta. Rosario, Iba Zambales.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Zambales PNP, sinabi ng piloto in command na si Bidayan na nagkaroon ng mechanical problem ang eroplano na naging dahilan nang pagbagsak nito.
Sa ngayon, patuloy pa rin inaalam ang sanhi ng pagbagsak ang aircarft.
Kapwa iniimbestigahan na ngayon ng PNP Aviation Group Iba at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang insidente.