Advertisers

Advertisers

Lady anchor pinatay sa loob ng bahay

0 483

Advertisers

Ipinag-utos ni Philippine National Police Chief Gen. Dionardo Carlos ang pagsasagawa ng malalimam imbestigasyon sa pagpatay sa isang radio commentator na natagpuan may tama ng saksak sa loob ng bahay nito sa Bacolod, Lanao del Norte.

Kinilala ang biktima na si Audrey Gaid Estrada, 59, Commentator ng 101.3 grace covenant FM Bacolod Radio station.

Sa report, 6:45 ng umaga nang makatanggap ng tawag ang pulisya kaugnay ng naganap na pananaksak sa bahay ng biktima sa Barangay Poblacion, Bacolod, Lanao del Norte.



Sa ulat, naghahanda ang biktima para sa pagpasok sa trabaho nang pasukin ito ng ‘di pa kilalang salarin sa 2nd floor ng bahay at pagsasaksakin.

Nagtamo ng 15 tama ng saksak ang biktima sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at hindi na umabot ng buhay nang isugod sa pagamutan.

Narekober ng mga otoridad ang isang 13 inch long na kitchen knife na pinapiniwalang ginamit ng salarin sa isang momoblock chair sa ground floor ng bahay.

“Our investigators are now collating other substantial pieces of evidence including the CCTV footage that the PNP was able to secure,” ani ni Carlos

Ang 101.3 Grace Covenant FM (DXGC 101.3 MHz), FM station pag-aari ng Iddes Broadcast Group.



Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad kung mayroon kaugnayan trabaho ng biktima ang motibo ng krimen.(Mark Obleada)