Advertisers
KUNG yung dating team manager ng isang koponan biglang hihirang na Commissioner ng liga ay hindi maiialis sa tao na mabahala.
Siyempre pagdududahan ng ibang team sa simula pa lang. Kailangan patunayan niyang karapat-dapat siya sa posisyon. Ang naglagay sa kanya sa puwesto yung malaking grupo na expected na paboran niya sa mga desisyon.
Ang bigat ng kapangyarihan ng kanyang opisina.
Paano kontrolado niya ang opisyales ng mga laro kabilang na ang mga reperi.
Ihambing natin sa papalapit na halalan. Yung naitalagang bagong hepe ng COMELEC ay si George Garcia na dating abogado ni FM2 na isa sa mga presidentiable.
Kaya nag-inhibit na agad siya sa mga kaso ni BBM sa kanila.
Sana maging tapat sa tungkulin lahat ng mga empleyado at mga iba pang namamahala sa ilalim niya.
Oo nawa’y maging patas ang Chairman ng poll body tulad ng Commissioner ng PBA.
***
Panay tambak ang LA Lakers sa huling mga laban Aba’y sa first quarter palang 20 puntos lamang sa kanila.
Wala na give-up na sa kanila ngayong season si Pepeng Kirat.
Ayon kay Pepe ay kahit makapasok sina LeBron sa play-in at makarating pa sa playoffs ay hanggang first round lang sila. Milagro na yan ha.
Mangyari nga naman ang league-leading Phoenix ang makakaharap nila. Suns ang team na nagpabakasyon sa kanila noong isang taon.
Mas pangit game nila ngayon at mas maganda naman kina Devin Booker at Chris Paul.
Babay Bron, Brow at Brodie!
***
Lumambot na kaya ang puso ni Philip Juico kay EJ Obiena ngayong suspindido na ang PATAFA? Ano sa palagay ninyo?
Abangan ang susunod na kabanata