Advertisers
DUMATING na sa Bangkok Miyerkules ang national women’s boxing team, pinamunuan ni Olympic silver medalist Nesthy Petecio dalawang Linggo bago magsimula ang prestihiyoso na Thailand Open International Boxing Tournament.
Mag te-training ang Filipinos isang linggo laban sa kanilang Thai counterparts sa gym sa Muak Klek, 3 hours drive mula sa Bangkok, bago lumipad patungong Phuket, kung saan gagawin ang Thailand Open mula April1 to 10.
May training camp din para sa tournament participants naka iskedyul sa March 23 to 30.
“It’s good that our boxers will be able to have two weeks of training before they compete in the Thailand Open,” Wika ni Association of Boxing Alliances in the Philippines women’s team head coach Reynaldo Galido nitong Huwebes bago lumipad ang team patungong Muak Klek, ang distrito ng Saraburi province na may 154 kilometers ang layo mula sa Thailand’s capital city.
Si Petecio na nasungkit ang featherweight title sa 2019, ay hindi kasama sa tournament dahil naghahanda para sa Vietnam Southeast Asian (SEA) Games at World Championship.
Sasabak rin sina Josie Gabuco (48kg), Aira Villegas at Mary IC Sinadjan (51kg), Irish Magno (54kg), Maricel de la Torre (57kg), Riza Pasuit (60kg) at Hergie Bacyadan (75kg).
Magno at Pasuit ay parehong silver medalist.Habang si Pasuit ay bronze medal winner sa 2019 SEA Games.
Ang Thailand Open, ay ituturing na isa sa best boxing tournament sa mundo, at magsilbing tuneup tournament para sa boxers na sumasabak sa International Boxing Association Women’s World Championship sa Mayo, sa SEA Games, at sa Asian Games sa September.