Advertisers

Advertisers

Sexy starlet Ana Jalandoni, bugbog-sarado sa kay Kit Thompson

0 473

Advertisers

Nagpapagaling na ang sexy actress at showbiz starlet na si Ana Jalandoni nang magtamo ng ilang sugat at pasa sa mukha sa kamay ng boyfriend at aktor na si Kit Thompson.

Ayon sa ulat ng Tagaytay PNP, na-rescue si Ana sa isang hotel sa Tagaytay nang magtatalo ang dalawa.

Sa report, unang humingi ng tulong sa pulisya ang ilang hotel staff upang masagip ang aktres.



Isang resibo naman ng paghingi ng saklolo ni Ana ang nakuha.

“Kuya please help me please call (the) police!!!! Keith is killing me!!! Please please help me kuya,” mababasa sa mensahe ni Ana.

Ilang larawan din ang makikita rito kung saan bakas ang mga sugat at pasa ng aktres sa mukha.

Kung bibisitahin ang Instagram account ni Ana, makikitang tila noong Miyerkules pa magkasama ang dalawa sa Tagaytay. Sa pinakahuling post kasi nito, mababasa ang komento ng aktor sa larawan ni Ana.
“See you later,” saad nito.

Agad ding pinutakte ng netizens ang komentong ito ni Keith kasunod ng ulat ng umano’y pang-aabuso nitong umaga ng Biyernes.



Nasa kustodiya na ng pulisya ang aktor para sumailalim sa questioning habang nadala naman sa pagamutan ang aktres.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang pinag-ugatan ng away ng dalawa.

Unang bumida sa sexy film na “Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar” si Ana noong 2021.