Advertisers

Advertisers

URCC Unbreakable main event… BAKBAKAN NA BUKAS SA ‘GAPO!

0 309

Advertisers

BAKBAKAN ng mga dambuhalang pangalan sa local mixed martial arts ang masasaksihang sa ruweda ng URCC – MMA sa Olongapo City bukas, Marso 20,2022.

Ang veteran MMA internationalist na Pinoy heavyweight prize fighter ay makakaharap ang isa pang higanteng mandirigma sa larangan,ang belt holder si Sugar Ray’The Mammoth’ Estroso sa main event ng Universal Reality Combat Championship( URCC) Global ‘ Unbreakable .

Ayon kay URCC founder/ president Alvin Aguilar,si Igor Sabora ng Ukraine na siyang orihinal na kalaban ni Maglaque ay umatras at umuwi sa kanyang dahilan upang maisaayos ang bakbakang Gester vs Sugar Ray.



“Same intensity at panigurong explosive ang ating fight night sa Olongapo. Our fighters are raring to go and fight.Bakbakan na!”, pahayag ni Aguilar,pangulo din ng Wrestling Association of the Philippines.

Tampok ding bakbakan ang klasikong paghaharap ng Team Manila vs host Team Olongapo na undercards ng ‘Unbreakable’ fight night.

Maghaharap sina John Manahan vs Joseph Mercado,Ivan Victorio vs Gab MasancayJohn Tirona vs Sherwin Nero at JV Baldonaza vs Jervie Tiongco.

Inihahandog din ang special na rambulan 3×3 sa pagitan ng Team Red vs Pink.

Matutunghayan ang post pandemic fight ng URCC live via pay per view.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">