Advertisers

Advertisers

3 Pulis timbog sa kotong sa huling tulak

0 431

Advertisers

ARESTADO ang tatlong pulis na nangikil sa isang lalaki na nadakip sa illegal na droga sa Tanay Rizal.

Ayon sa ulat ni Tanay PNP Chief of Police P/Lt. Col. Ruben Piquero kay PNP Chief Gen. Dionardo Carlos, kinilala ang mga naaresto na sina Police Master Sgt. Darlino Casamayor Jr., Police Corporal William Sayago at Pat Allen Bey Tendilla, pawang mga nakadestino sa Intelligence/Drug Enforcement Team sa Tanay Municipal Police Station.

Nag-ugat ang reklamo laban sa 3 pulis ng kikilan si Aljon Marcelino Indon, 31 anyos.



Narekober ni Piquero sa tatlong pulis ang P49,000.00 cash.

Sa record, nadakip si Indon sa kasong droga at ikinulong Marso 17Batay sa ulat, si Indon ay kinulong ng mga suspek noong Marso 17 dahil umano sa paglabag sa RA9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Habang nakapiit, pinilit nang tatlong pulis na pinalabas ang laman ng bulsa ni Indon at tumambad ang P93, 000.00.

Dahil dito, nagbigay ang suspek ng P23,000 para sa kalayaan nito sa kasong droga.
Dito na humingi ng saklolo kay Piquero ang suspek na ikinadakip ng tatlong pulis sa kasong pangingikil.(Edwin Moreno)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">