Advertisers
SLEEPING town no more!
Ang tagal na nahimbing ng bayang La Paz sa lalawigan ng Tarlac.
Nagmistulang walang silbi na dinadaan- daanan lang ang bayan na ito ng mga yao’t paritong mangangalakal, byahero at lokal na turista noon patungo sa mga mas progresibong kanugnog -bayan ng lunduyan ng korner na ito mula pa sa kinagisnan ilang dekada na ang nakaraan.
Literal na naghilik ito sa aspeto ng kabuhayan at komersiyo ,ang aandap -andap sa gabing ang agang natulog dahil sa tamlay ng hanapbuhay kung saan ang mga matatalino ay sa ibang lupain isinalin ang dunong habang ang mga switik na namuno pa ang iilan ay di pinagyaman ang potensyal sa progresong lunduyan kung saan ang mina ng biyaya nito ay sa sariling lukbutan ang pinunan ng mga pinunong nagdaan.
Ang gabi ng pagkahimbing ay lumipas,gising na ang bayang La Paz. Nailuklok ng namulat nang Lapazeños ang isang ‘di tradisyunal na politiko sa katauhan ni Alcalde Venustiano Jordan.
Pronto,sa loob ng tatlong taon lamang na timon nito ay gising na gising ang komersyo,mula umaga sa biyaya ng sikat ng araw hanggang gabing pinagliwanag ng sigla ng mga ilaw dahil sa produktibong ganansiya buong araw.
Dati ay nauuna pa sa paglubog ng araw ang paglatag ng banig ng katamlayan ng kabuhayan pero sa epektibong liderato ni Jordan ay hayahay na ang buhay mga abay!
Dahil sa wala nang makapipigil sa progreso ng bayang Lapaz,patuloy naman ang paglago ng mga imbestor o mamumuhunan na ang tunay na panalo sa penomenal na pagbangon at hindi naalimpungatan lang ay ang mamamayan sa muntik nang maging bayang iniwan.
Tulad ng ibang progresibong munisipalidad at siyudad,nabuksan na rin ang pintuan para sa mga multi- nasyunal na kumpanya at kilalang establisimiyento tulad ng superstores,drugstores,food chains ,mga banko at lumago pa ang ibang imprastraktura na di nangyari sa mga nakaraang administrasyon.
Kaya biglang sigla at ang asenso ay paspas sa bayan ng La Paz sa maikling panahon na timon ni Mayor Venustiano.
Sadyang maikli ang tatlong taon na termino ng isang mahusay,tapat at dedicated na lingkod- bayan tulad Alcalde Jordan.
Tiyak na ipagkakaloob muli ng mulat nang Lapazenos ang bagong mandato sa darating na Mayo kay Alkalde Jordan ayon sa source na sobrang kredibol ang mga katagang binibitawan.
Sabi nga ni NBA legend Michael Jordan…let’s do it! BANYA BAYAN!!
Speaking of sports,ngayong maluwag na ang mga panuntunan sa IATF alert level ng bansa,prayoridad na rin ni MVJ ang muling pagsigla ng larangan para sa mga kabataan…ABANGAN!
Lowcut: Shoutout sa isang tunay na kaibigan noon pa man at kabalwarteng si Vic C.
Special mention kay expert physical therapist at zumba instructress Ms Thess Delgado ng Guadalupe,Makati City.Patuloy sa paglago ang bilang ng mga zumba enthusiasts na kanyang naturuan and still counting.Congrats..ZZOOMM!