Advertisers

Advertisers

Gobernador, misis kulong sa estafa

0 396

Advertisers

Dinakip ng pulisya sina Surigao del Sur Vice Governor Librado Navarro at ang misis nitong si Maylene noong Huwebes kaugnay ng reklamong syndicated estafa na bunga ng palpak umanong investment scheme.

Ayon sa ulat, inaresto ang mag-asawa sa Sitio San Andres, sa Barangay Maharlika, Bislig City 10:30 ng gabi sa bisa ng arrest warrant.

Sa report, kinasuhan ang mag-asawa ng two counts of estafa nang walang inirekomendang piyansa.



Nagreklamo umano sa pulisya ang ilang residente ng bayan ng Talisayan sa Misamis Oriental dahil sa hindi naibalik na investment ng Demeter Agribusiness Organic Farming, na pagmamay-ari ng mag-asawa.

Bukod sa mga taga-Talisayan, nasa 200 residente rin ng bayan ng Marihatag sa Surigao del Sur ang nagreklamo na aabot sa P50 milyon ang kanilang ipinasok sa investment scheme nina Navarro na hindi na rin naibalik ang ipinangakong kita. Isa sa mga nagreklamo ang nagtungo pa sa programa ni Raffy Tulfo noong nakaraang taon.

Kumakandidato si Librado ngayong eleksyon para sa pagka-mayor ng Bislig, habang konsehal sa Talisayan si Maylene.