Advertisers

Advertisers

IPM-MNAP todo suporta sa BBM-Sara tandem

0 399

Advertisers

Inendorso ng grupong Pagbabago Movement -Mahalin Natin ang Pilipinas (IPM-MNAP) ang tambalang UniTeam BBM-Sara nitong Linggo, Marso 20.

Kasabay ng panunumpa ng mga miyembro at opisyales sa Maynila na pinangunahan ni Engr. Faith Recto at Chairman Gov. Claude Bautista, nagpakita ang samahan ng kanilang buong pagsuporta kina dating senador at kasalukuyang tumatakbong pangulo ng bansa Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos at Vice President bet Mayor Inday Sara.

Binubuo ang nasabing samahan ng iba’t-ibang alyansa, grupo ng mga abogado, engineers, volunteers, businessman, grupo ng university owners at institusyon at iba pa na mayroon ng kabuuang 7,732,000 rehistrado at verified members mula Luzon, Visayas at Mindanao.



Tiniyak naman ni Recto, isang AAA contructor na walang anumang kapalit ang pagsuporta ng grupo sa naturang tambalan na ang lahat sa miembro ng IPM-MNAP pawang mga volunteers at sila rin ang nagpopondo sa kanilang grupo higit na walang hinihintay na kapalit kung sakaling mananalong ang tambalang BBB-Sara sa 2022 polls.

Ipinahayag din ni Recto kung bakit naging masidhi ang kanilang kagustuhan na sina BBM-Sara ang kanilang suportahan para maging susunod na mamuno sa bansa dahil naniniwlaa sila sa mga ito na isang mga “selfless leaders”.

“Hindi uunahain nila BBM-Sara kanilang mga sarili kung hindi ang kapakanan muna ng taongbayan ang mas bibigyan nila ng prayoridad kung sakaling pamumunuan nila ang buong bansa,” wika ni Recto.

Naniniwala ang grupo na ipagpapatuloy nila BBM-Sara ang nasimulang pagbabago at pag-unlad ng bansa sa ilalim ng adimistrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, na ama ni Mayor Sara.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">