Advertisers
Patay ang tatlong katao habang 15 ang sugatan nang araruhin ng trak ang isang van sa National Highway, Brgy. South Poblacion, Jimalalud, Negros Oriental, Biyernes ng gabi, Marso 18.
Kinilala ang mga nasawi na sina Erodetha Gacang, 67; Roel Gacang, 62; at Elizar Pontillano, 68.
Sa ulat, lumabas ang Fuso Cargo Truck na may plate number na CAA 5074 na minamaneho ni Marcos Alberastinni, 40, residente ng Brgy. Poblacion, Guihulngan City, dumiretso umano ang trak sa kurbada pagdating malapit sa Jimalalud Rural Health Unit, dahilan para mapunta ito sa van na may plate number FAG 5420 na minamaneho ni Jony Larano, 33, ng Saturn Village, Handumanan, Bacolod City.
Patungo umano ang van na may kargamento na 26 na pasahero kabilang ang driver nito.
Mabilis umanong tumakas ang driver ng truck matapos ang insidente ngunit sa tulong ng mga taong dumaan sa pinangyarihan, nahuli umano ang driver na nagtatago sa kanal.
Kasong reckless imprudence resulting to multiple homicides, physical injury at damage to property ang kakaharapin ng truck driver na kasalukuyang nasa kustodiya ng Jimalalud Police Station.