Advertisers
ITINUTULAK ni House Committee on Transportation Chair Edgar Mary Sarmiento na ibahin ang mode ng fuel subsidy para sa transport sector.
Sa ngayon kasi, ang subsidiya ay ipinapasok sa cash cards na maaaring i-encash sa partner bank na Land Bank of the Philippines.
Dahil naman dito, ang pera ay posibleng hindi talaga nagagamit pampagasolina.
Ang mungkahi ni Sarmiento, gawing parang credit card ang fuel subsidy na tanging sa mga gasolinahan at fuel products lamang tatanggapin.
Hanggang nitong March 18, 107,926 accounts o cash cards na ang naipamahagi ng ahensya para sa 264,443 beneficiaries.
Target naman na matapos ngayong buwan ang nalalabing benepisyaryo na wala pang cash card. (Henry Padilla)