Advertisers
Patay ang isang Filipino cyclist nang ma-hit and run ng isang lasing na driver sa Bali District, New Taipei nitong Linggo.
Nabatid na wala ng buhay ang ‘di pa nakikilalang siklista nang dumating ang mga lokal na pulis.
Naaresto naman at nakadetine sa New Taipei City Police Department, 9:49 ng umaga ang tumakas munang salarin na may apelyidong Chien at lumabas sa eksamin na lampas sa above legal limit na 0.25 milligrams per liter, ang alkohol sa kanyang katawan.
Nabatid na naganap ang aksidente 4:27 ng madaling araw malapit sa Rui-Ping Elementary School kung saan kasama ng 32-anyos na biktima ang tatlo pang siklista na nanggaling sa Linkou District to Bali.
Sa ulat, nabundol ang biktima sa likurang bahagi at tinakasan ni Chien.
Nalaman na makikipag-compete ang mga Pinoy cyclist sa Double Home Court Western Coast Highway Cycling Championship, isang annual long-distance race na inisponsoran ng Taiwan Bike Association.