Advertisers
NAMATAY ang 60-anyos na babae habang nakapili sa ipinamimigay na ayudang pera sa isang headquarters sa Brgy. San Bartolome, Quezon City.
Kinilala ang nasawi na si Ginang Emelita Deguangco, 60, ng Pink Flamingo Rainbow Homes barangay San Bartolome Quezon City.
Ayon sa mga kaanak ng biktima, na nakapila si Deguangco at habang iniintay nito ang tawag ng kanyang pangalan sa ipinamimigay ng isang congressional candidate sa Quezon City bigla na lamang itong nawalan ng malay.
Napag-alaman na, matagal ang naging paghihintay ni Deguangco sa gitna ng mainit na sikat ng araw dahil sa tanghaling tapat. Walang tubig na naipamimigay sa lugar at wala rin sapat na mga upuan para sa mga residente doon na tatanggap ng ayudang pera sa naturang headquarters.
Pinuntahan naman ng nasabing congressional candidate nang magkagulo ang tao at isinugod si Deguangco sa Novaliches District Hospital gamit ang van ng kongresista, ngunit iniwan din ito ng kanyang mga tauhan kahit na nakita na nilang naghihingalo ang matanda sa emergency room.
Napag-alaman na una nang nag-ikot ang naturang kongresista sa Rainbow Homes 1 para mamigay ng stubs para sa pamigay na P500 hanggang P1,000 kasama ang biktima.
Sinasabing nang pumasok ang buwan ng Marso, makaraang makakuha ng Temporary Restraining Order (TRO) sa kanyang warrant of arrest, nagsimula na itong magbigay ng pera palit boto sa mga residente ng District 5 sa QC sa mga itinalaga nitong headquarters sa lungsod.
Iniimbestigahan na kung saan nagmumula ang milyong pondong ipinamimigay sa mga taga Distrito 5 araw-araw ng nasabing kongresista.