Advertisers
NAGING abala nitong araw ng Martes sa pakikipagkamustahan si Mayoralty bet Atty. Alex Lopez sa iba’t ibang lugar sa Maynila.
Unang binisita ni Lopez ang Balut, Tondo ng Distrito 2 at partikular na tinignan nito ang kalagayan ng mga vendors sa nasabing lugar.
Nangako si Atty. Alex na kung sakaling siya ang mananalong susunod na alkalde ng lungsod, hindi na mararanasan ng mga vendors ang naging pahirap sa kanila ng nagdaang gobyerno.
Ayon kay Lopez, aalisin na nito ang pa-etneb-etnep ng mga tauhan ng kasalukuyang admininstrasyon.
Sinabi nito na para sa mga vendors mahalaga ang halagang P20 pesos na kita nila sa araw-araw na napupunta pa sa kamay ng mga mapagsamantala.
Dagdag nito hindi na magkakaroon ng isang pang ‘General Sucat’ na magtataboy sa kanila dahil nakaharang sila sa mga daanan. Aniya, iaayos niya ang lahat at ilalagay sa tamang sistema para maging maayos ang pagtitinda ng mga vendors sa nasabing lugar.
Tumungo rin si Lopez sa isinagawang pagtitipon ng ‘Ang Komadrona party list’ kung saan si dating Senador Joey Lina ang siyang first nominee sa Brgy. 112 Zone 9 Dist. 1 na pinamumunuan ni Chairman Nenita Rosas.
Si Lina rin ang principal author ng Philippine Midwifery Act of 1992 (RA 7392).
Ang mga plataporma ng Ang Komadrona Party List para sa Komadrona, kalusugan ng pamayanan, at kapakanan ng iba’t ibang sektor ng lipunan.
“Tayo po ang pangunahing may akda ng Philippine Midwifery Law. Halos 30 years ago na po ang batas na iyan. Marami na po ang nagbago at patuloy na nagbabago. Kailangan ituloy natin ang laban para sa kapakanan ng ating mga midwife, at sa kalusugan ng mga nanay at bata,” wika ni Lina.
Sinuportahan din ni Atty. Lopez ang mga plataporma ng ‘Ang Komadrona Party List’, at hangad niya na makapasok ito sa 2022 polls dahil batid nitong magkakatulungan sila para sa kapakanan ng mga Manilenyo.