Advertisers

Advertisers

Duterte pinatataasan sa P500 ang ayuda sa pinakamahihirap na pamilya

0 274

Advertisers

INIUTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Finance Sec. Carlos Dominguez III na dagdagan ang ayuda na ipinamamahagi sa pinakamahihirap na pamilya o benepisaryo ng 4Ps.

Sa Talk to the People nitong Lunes ng gabi sa Malakanyang, sinabi ni Pangulong Duterte na kulang ang P200 kada buwan para sa isang pamilyang may limang miyembro.

Kaya naman inatasan nito si Sec. Dominguez na gawan ng paraan na makapagbigay ng P500 kada pamilya kada buwan.



Bahala na aniya ang susunod na administrasyon na ituloy ang paghanap ng pera para maipagpatuloy ito, basta sa ngayon ay kailangan daw maibigay ang P500 ayuda.

Mahigpit lamang ang bilin ng pangulo sa mga benepisaryo na ‘wag gastusin ang pera sa e-sabong. (Vanz Fernandez)