Advertisers
MAGKAKAROON ng libreng sakay ang mga pasahero ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3) simula sa Marso 28 hanggang Abril 30.
Inanunsyo ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa inagurasyon ng MRT-3 rehabilitation project sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City.
Ayon kay Pangulong Duterte, nagkasundo sila ni Transportation Secretary Arthur Tugade na magbigay ng libreng sakay.
Ani pa ng Pangulo, patunay ang rehabilitasyon sa MRT na pursigido ang gobyerno na pagandahin ang national road system na una na niyang ipinako sa taong bayan.
Mula sa dating 25 kilometers per hour na biyahe, tumatakbo na ang MRT sa bilis na 60 kilometers per hour at may time interval ng pagdating ng mga tren ng walo hanggang 10 minuto.
Pahayag pa ng Pangulo na mula sa 12 hanggang 15 na operating units ng mga tren, ngayon ay nasa 18 hanggang 22 tren na ang bumibiyahe. (Josephine Patricio)