Advertisers

Advertisers

NPC at civil society nagpasaklolo sa SC laban sa Comelec

0 179

Advertisers

Naghain ng petition for mandamus sa Korte Suprema ang National Press Club (NPC) kasama ang dalawang civil society organizations laban sa Commission on Elections (Comelec).

Kasama ng NPC ang Guardians Brotherhood at Automated Election System Watch o AES Watch , hiling nila sa Korte Suprema na atasan ang Comelec na maging mas transparent o bukas sa kanilang mga aksyon na konektado sa Eleksyon 2022.

Kasunod na rin ito nang pagbatikos na inabot ng Comelec sa kabiguang maipakita sa election watch groups at kinatawan ng mga kandidato ang pag-imprenta ng mga balota.



“While we appreciate the pronouncements of the new poll chair, Saidamen Pangarungan and the two new commissioners, George Garcia and Aimee Neri, that they are committed to transparency, the public remains apprehensive given the COMELEC’s poor track record in past elections,” ayon kay NPC President Paul M.Gutierrez.

Umaapela rin ang NPC sa publiko na tumulong sa panawagan para maibasura ang kasunduan ng Comelec at Rappler.

“We continue to call on all Filipino s and other media groups to lend their voice in asking the COMELEC not to merely suspend, but more importantly, to scrap the MOA altogether,” ani Gutierrez.

Sinabi ni Gutierrez na isinasapinal na nila ang petisyon na isasampa rin sa Korte Suprema para ipawalang bisa ang naturang kasunduan

Una nang naghain ng petisyon noong March 7 ang Office of the Solicitor General sa Korte Suprema laban sa kasunduan na maging katuwang ng Comelec ang Rappler sa Eleksyon 2022.(Jocelyn Domenden)