Advertisers

Advertisers

Pagkakaisa sagot sa pag-unlad ng Maynila

0 352

Advertisers

Nagsagawa ng orientation para sa mga zone at barangay leaders ng Distrito 2 ng Tondo, Maynila na ginanap sa Immaculate Conception conference hall, Tayuman, Tondo, Manila.

Pinangunahan ni Chairwoman Arlene Tan ng Barangay 236, Zone 22, Dist. 2 at ni Ret. P/Col. Vicente F. Tan ang nasabing pagtitipon.

Dumalo sina Mayoralty bet Atty. Alex Lopez, aspirant Vice Mayor Raymond Bagatsing at kandidato sa pagkakongresita Carlo Lopez.



Ipinahayag nila Alex, Raymond at Carlo ang ilan sa kani-kanilang mga plataporma sa harap ng ilang daan mga zone at brgy. leaders.

Sinabi ni Atty. Lopez na kung sakaling siya ang papalarin susunod na alkalde ng lungsod ng Maynila gagawin nitong 3 years ang mga JO o Job Order na empleyado ng cityhall at hindi 6 months lamang.

Tutulungan ni Lopez ang mga opsiyal ng barangay na magkaroon ng tamang benepisyon lalo na ang mga tanod na kakarapot lamang ang tinatanggap kaya tuloy tinatamad na magtrabaho.

Bibigyan din ni Atty. Alex ng allowance ang mga college students para hindi na mahirapan ang mga magulang ng mga ito sa kanilang pang-araw-araw na baon. Kadalasan ang kawalan ng baon ang nagiging dahilan kung bakit hindi pumapasok sa paaralan ang mga bata.

Dagdag pa ni Lopez na pauutangin niya ng kapital ang mga vendors upang makatulong sa kanilang paghahanap buhay.



Aniya, gagaang ang buhay sa Maynila kapag ang UniTeam ang naging bagong administrasyon at magkakaroon ng bagong pag-asa ang mga Manilenyo.

Ganito rin ang sinabi ni Raymond sa mga dumalong leaders, kaya nga pinili niyang maging ka-tandem si Lopez dahil naniniwala siya sa mga adhikain nito upang umangat ang kabuhayan ng mga Manileño.

Nakita ni Raymond mali ang pag-aakala ng marami tungkol sa Maynila.

Hindi batid ng lahat na kulelat pa rin ang Maynila sa mga kalapit nitong lungsod maging sa ibang probinsinya.

Naging mabago lamang sa publicity ang kasalukuyang administrasyon, inamin niyang meron naman ilang mga nagawa subali’t hindi talagang umasenso ang mga Manilenyo.

Ayon pa kay Raymond Bagatsing na siya ang magiging daan upang magkaroon ng makabuluhan at makataong konseho dahil halos 20 taon na siyang naglilingkod sa taong bayan na hindi naman niya ipinagkakalandakan.

Sinegundahan ito ni Carlo Lopez na hindi kayang suhulan ang mga taga Tondo. Kaya hiling niya na sana magtulong tulong at magkaisa ang mga mamamayan para magkaroon ng maunlad na pamayanan.

Lumalapit sila sa mga taga Tondo na tulungan sila para maipagpatuloy nila ang legacy na naiwan ni Jim Lopez sa Tondo at Mel Lopez sa Maynila.

Nais ni Carlo na ibahagi ang isang politika na nagkakaisa.

“Ito rin ang nais ng BBM-Sara team ang pagkakaroon ng pagkakaisa dahil ito ang maghahatid sa ating lahat ng isang magandang bukas,” wika ni Carlo Lopez.

“Itigil na natin ang siraan para gumanda lalo ang Pilipinas. Tulungan natin sina Ferninand ‘Bongbong’ Marcos at Inday Sara Duterte na manalo sa darating na 2022 polls maging ang buong UniTeam sa lungsod ng Maynila,” pagwawakas ni Cong. Lopez.