Advertisers
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs ang pagkasawi ng isang Pinay overseas worker na nakabase sa Kuwait.
Nakilala ang OFW na si Gladys Olarte Fong.
Ayon sa Embahada ng Pilipinas sa Kuwait, ang migrant worker natagpuan nakabigti at may hiwa sa kaniyang pulso sa loob ng kaniyang kuwarto sa Al-Salam Area, Kuwait City noong Marso 14.
Nadiskubre ang katawan ng Pinay ng pwersahang pinasok ng mga pulis ang kaniyang kwarto nang mapaulat na hindi ito lumalabas simula ng umaga ng araw na iyon,
Sa report, suicide ang sanhi ng pagkamatay ng Pinay.
Subali’t ayon sa DFA kanilang aantayin ang resulta ng forensic examination.
Ayon sa kasalukuyang datos ng pamahalaan nasa kabuuang 241,000 Overseas Filipino workers ang nasa Kuwait.
Tiniyak naman ng kagawaran na maigting na mino- monitor ng Philippine Embassy sa Kuwait ang naturang kaso.