Advertisers
INAMIN ng Philippine National Police (PNP) na hanggang sa ngayon ay wala pa rin “proof of life” sa 34 na nawawalang sabungero.
Sinabi ni PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo, sa kabila ng pagsusumikap ng CIDG investigators ay wala pa ni isa sa mga nawawalang sabungero ang nakikitang buhay hanggang ngayon.
Ayon kay Fajardo, matapos kasuhan ang mga Security Personnel ng Manila Arena ay isusunod na ipaghaharap ng kaso ay ang mismong mga Pulis mula sa Laguna.
Sila kasi ang mga itinuro sa Senate Hearing na diumano’y dumukot sa ilang mga nawawalang sabungero.
Kabilang dito sina Patrolman Roy Navarete, Staff Sergeant Daryl Paghangaan at Master Sargeant Michael Claveria.
Kahapon ay sinibak na rin ang Provincial Director ng Laguna Provincial Police Office na si PCol. Rogarth Campo habang iniimbestigahan ang kaso ng mga nawawalang sabungero. (Mark Obleada)