Advertisers

Advertisers

10 pulis na ‘hulidap’ sa sabungan sibak!

0 242

Advertisers

Sinibak sa puwesto ang 10 pulis mula Pampanga Provincial Police na nasangkot sa ‘hulidap’ modus sa ilang sabungero sa Bacolor noong Marso 19.

Ayon kay Col. Robin Sarmiento, hepe ng provincial police, kinilala ang mga inereklamong pulis na sina PCpl Resty B. Delima, 33, Sta Monica Subd. Brgy. Sto Niño, Plaridel Bulacan; PCpl Jayarr G. Macaraeg, 36, ng Brgy Sanlibo Bayangabang, Pangasinan; PMsg Rommel L. Nool, 37, Zone 7 Brgy. Parista Lubao, Pampanga, na kapwa nakatalaga sa Pampanga PDEU; Pat Jhusua T. Fernandez, Brgy. Dapdap, Mabalacat City, Pat Bryan Steve M Pasquin, 25, Brgy. Sto Niño, San Simon; PCpl Alvin Pastorin, 33, Brgy. Pogomboa, Aguilar, Pangasinan; Pat Bjay A. Sales, 30, Brgy. Mabini, Moncada Tarlac; PCpl Norman A. Lazaga, 34, Brgy. Pindangan Centro; Alcala Pangasinan; Pat Jayson M Martinez, 28, ng Brgy. Dalig Viejo, Burgos Isabela; Pat Jeff Van D Cruz, 25, Brgy. Bonga Mayor, Bustos Bulacan, na kapwa nakatalaga sa Pampanga Intelligence Unit, sa Pampanga Police Provincial Office, Police Regional Office 3.

Samantala nasa 10 mga sabungero ang nagsampa ng kaukang reklamo na sina Alberto Gopez, 58; Allan Gopez, 32; Angelito Pabalan, 70; Ricardo, 78; at Rodolfo Canlas, 67; Efren Canlas, 63, at apat iba pa.



Sa report, naka-floating ang 10 pulis sa Pampanga at ililipat sa regional headquarters sa Camp Olivas.

Ayon sa imbestigasyon ng PNP, nagsasagawa ng sabong ang nasa 10 sabungero sa isang compound Barangay Duat sa bayan ng Bacolor nitong Sabado ng umaga nang dumating ang mga suspek at pinag-aaresto ang mga ito dahil sa ‘tupada’.

“Based on the statements of the complainants, 10 male persons arrived at the place of the incident who allegedly accosted them for ‘tupada’ and during the arrest, the members of PIU divested the victims of their money and other valuables.,” saad sa ulat na inilabas ng pulisya.

Sa ulat, nasa P379,700 cash at mga personal na gamit ang kinuha ng mga suspek mula sa mga biktima.

Pinalaya ng mga suspek ang mga biktima na walang pera at gamit bago sila tumakas mula sa lugar ng insidente lulan ng kanilang mga sasakyan.



Samantala, inirekomenda ng Pampanga police nitong Miyerkules (Marso 23) ang pagsasampa ng reklamo para sa pagnanakaw ng 10 pulis.

Kinumpirma ng mga suspek ang operasyon sa Bacolor ngunit itinanggi ang pagnanakaw ng pera at mahahalagang gamit sa 10 complainant.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP sa kaso, habang inihahanda na ang kaukulang reklamo laban sa mga suspek.(Thony D. Arcenal)