Advertisers
MAYROON ng 87.2% ng mga balotang gagamitin para sa May 9 national and local elections ang natapos nang iimprenta ng Commission on Elections (Comelec).
Sa isang pulong balitaan nitong Huwebes, sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na hanggang nitong Marso 24, umaabot na sa 58,838,453 ng 67,442,616 balota ang kanilang naiimprenta.
Sinabi ng poll official na sa naturang mahigit 58 milyong mga balota, 39,433,714 na ang nakapasa sa highest quality control at verification.
Ang bilang naman ng mga depektibong balota ay nasa 105,853 na kumakatawan sa 0.18% ng total ballots.
Mas mababa aniya ito sa 0.19% na rekord noong Marso 21.
Samantala, iniulat din ni Garcia na ang mga vote counting machines (VCMs) ay 61.7% nang ready for dispatch habang ang external batte-ries ay nasa 91.09%.
Ang transmission devices naman aniya ay nasa 100% habang ang consolidation at canvassing systems ay nasa 55.54% naman. (Andi Garcia)