Advertisers

Advertisers

Kontrata sa Smartmatic rerepasuhin ng Comelec

0 298

Advertisers

MULING pag-aaralan ng Commission on Elections (Comelec) ang kontrata ng Smartmatic Inc. kasunod na rin ng alegasyon ng security breach sa sistema ng naturang service provider para sa May 9, 2022 elections.

“Direct the department of the Comelec to conduct a review of the contract with Smartmatic and to advise the course of action to be taken by the Commission as may be provided by law and jurisprudence,” ayon pa kay Comelec Chairperson Saidamen Balt Pangarungan, sa isang pahayag na na binasa ni Commissioner George Garcia sa isang pulong balitaan nitong Huwebes.

Matatandaang una nang sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na isang kawani ng Smartmatic ang sinasabing sangkot sa umano’y security breach sa kanilang sistema at nasa kustodiya na ito ng National Bureau of Investigation (NBI).



Kaugnay nito, inatasan din ni Pangarungan ang Executive Director ng Comelec na makipag-ugnayan sa NBI at kumuha ng kopya ng ulat nito hinggil sa umano’y security breach sa Smartmatic system.

Hinihingian din ni Pangarungan ang Smartmatic ng ulat hinggil sa sarili nitong imbestigasyon sa isyu.

Pinayuhan din naman ng poll chief ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na magtakda ng detalyadong plano upang maiwasan ang security breach o anumang kahalintulad na problema sa hinaharap.

Bagama’t patuloy pa rin namang naninindigan ang Comelec na hindi sila nabiktima ng anumang pag-atake na nagresulta sa isang security breach, tiniyak ni Pangarungan na hindi nila ipagwawalang-bahala ang naturang mga alegasyon. (Andi Garcia/Jonah Mallari)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">