Advertisers

Advertisers

₱6.8 shabu nasabat sa Cavite

0 387

Advertisers

Huli ang apat na drug suspek sa ikinasang buy-bust operation ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group o PDEG sa General Trias City, Cavite.

Kinilala ni PDEG Director, PBGen. Randy Peralta ang mga nahuli na sina Eman Mabandus Bongcarawan alias Eman, Norhanah Didaagun Dirampatin alyas Ada, Nur-Laila Alonto Capatangan alias Laila at Noralyn Macalangan alias Madam Tisay.

Sa ulat, ikinasa ang operasyon sa isang subdivision sa Brgy. Pasong Camachile 1 sa Trias City Cavite.



Nakuha mula sa mga suspek ang may 1 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱6.8 milyon batay na rin sa Dangerous Drugs Board (DDB).

Sa ngayon na sa kustodiya ng PNP-DEG ang mga naaresto na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.