Advertisers

Advertisers

DOTR aprub sa balik-pasada ng provincial buses sa EDSA – MMDA

0 379

Advertisers

MAGSASAGAWA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng dalawang linggong dry run para sa pagbabalik ng provincial buses sa EDSA na simulan noong Huwebes ng gabi.

Ang naturang hakbang ay kasunod na rin ng pagbibigay ng green light mula sa Department of Transportation (DoTr).

Sa isang statement, sinabi ni MMDA chairperson Romando Artes na base raw sa Inter Agency Task Force (IATF) Resolution No. 101 patungkol sa uniform travel protocols ay nagpapasok na raw nitong Huwebes.



Dakong 10:00 Huwebes ng gabi nang pinayagan na ang muling pagbabalik ng mga provincial buses sa EDSA at magtatagal ito hanggang alas-5:00 ng umaga.

Samantala, pumirma naman ng pledge of commitment ang MMDA at representatives mula sa multi-sectoral stakeholders para mapaganda raw ang public at private transportation sa National Capital Region.

Kabilang sa mga panukalang traffic plans ang pagpapalawig ng number coding scheme at muling pagpapatupad ng truck ban policy bilang paghahanda sa tinatawag na new normal.

Magsasagawa naman daw ng serye ng konsultasyon ang MMDA para mapaganda pa nila ang traffic management sa Metro Manila.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">