Advertisers

Advertisers

Paggamit ng LGU vehicles sa kampanya bawal – DILG

0 343

Advertisers

IGINIIT ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng mga sasakyan ng mga Local Government Unit (LGU) sa pangangampanya para sa halalan.

Paalala ito ng DILG kasabay ng pagsisimula nitong Biyernes ng campaign period para sa local level.

Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año, nakabantay sila rito, makaraang makatanggap ng mga sumbong hinggil sa paggamit umano ng LGU vehicles sa mga campaign rallies at iba pang aktibidad.



Ayon kay Año, ang mga resources ng pamahalaan, kabilang na ang mga tauhan ay hindi maaaring maging kasangkapan sa anumang political activity.

Pinayuhan din ni Año ang publiko na kung may nalalaman silang kahalintulad na pangyayari ay agad na i-report sa local Comelec offices para agad na maaksyunan.

Sinabi pa ng kalihim, tutulungan nila ang mga magrereklamo para mapalakas ang kaso at upang mapagbawalan na ang mga abusadong politiko na makalahok pa sa darating na eleksyon.