Advertisers

Advertisers

Singers, musicians nagkaisa sa suporta sa LUNAS partylist

0 1,028

Advertisers

Mga songwriters, singers, musicians at iba pang mga ‘no-work, no-pay’ na empleyado sa tinatawag na ‘gig’ economy ang nagpahayag kamakailan ng kanilang buong supporta sa LUNAS Partylist sa darating na eleksyon sa Mayo.

Hinikayat nila ang iba pa nilang kasama sa industriya, at maging ang iba pang ‘no-work, no-pay’ na mga manggagawa sa iba’t ibang sektor na iboto ang LUNAS sa Kongreso dahil, aniya, ito ang sagot sa kanilang maraming problemang dinanas nang mawalan silang lahat ng trabaho sa panahon ng pandemya.

Unang nakaranas ng matinding epekto ng pandemya ang mga manggagawa sa tinaguriang ‘gig’ economy, kung saan ang mga nagtatrabaho dito ay kumikita lamang kapag may mga ‘gig’ sa mga pub, party at iba pang events.



Isa na rito si Ronnie Cruz ng LUNA Band na nai-stroke noon at hindi malaman kung kanino hihingi ng tulong para sa malaking bayarin sa ospital.

“Nakaraos ako sa mga bayarin dahil walang iba kundi ang LUNAS Partylist sa pangunguna ni Brian Yamsuan ang tumulong sa akin at sa pamilya ko,” ayon kay Cruz.

“Patunay ito ng kabutihan at kusang pagtulong ng LUNAS Partylist sa mga tulad naming ‘no-work, no-pay,” dagdag pa ni Cruz.

Ayon naman kay Al Henson, ang CEO ng Glass Entertainment, “bilang manager ng iba’t ibang artista sa gig economy, naniniwala akong dapat iboto ang LUNAS Partylist bilang kinatawan ng mga -no-work, no-pay’ sa Kongreso dahil ito ang tutugon sa mga problema ng gig economy workers.”

Sina singer-songwriter Paolo ‘Mister Acoustic’ Santos, ang kanyang trio bassist na si Joel Guarin at drummer Stanley Seludo; Bradley Holmes ng Shamrock Band; singer-songwriter Pido Lalimarmo; singer-songwriter Thor Dulay; singer Rizza Gonzaga; violinist Juliet Tan; bassist-songwriter Jhon Bunda; band personal assistant Aris Caingat at sina Kiko Versoza, Shie Esparrago, Muriel dela Paz, Donna Ricafrente at Espie Estanislao ng LUNA Band ay nagpahayag din ng suporta sa LUNAS Partylist.



Kasama ang iba pang musikero, songwriter at iba mga manggagawa sa entertainment industry, hinikayat nila na iboto ang LUNAS Partylist sa darating na halalan.

Ayon kay Juliet Tan, ang violinist ng Kadense female duo, napatunayan niya ang kusang loob na pagtulong ng LUNAS Partylist sa gitna ng pandemya.

“Ang LUNAS ang unang tumulong sa amin sa kasagsagan ng pandemya. Nagbigay sila ng tulong ng hindi namin hinihingi dahil totoo ang malasakit nila sa aming mga ‘no-work, no-pay,” ayon pa kay Tan.

Maging si Versoza, dela Paz, Gonzaga, at Caingat ay nagpasalamat at nagpatunay din sa tulong na pinagkaloob sa kanila ng LUNAS.

Ilan lamang sila sa napakarami ng ‘no-work, no-pay’ sa gig economy na natulungan ng LUNAS Partylist.

Ang LUNAS Partylist ay numero 58 sa balota sa eleksyon sa Mayo 9.(BP)