Advertisers
NAKATAAS parin sa Alert Level 3 ang Taal Volcano matapos na makapagtala pa uli ng phreatomagmatic eruptions, ayon sa PHIVOLCS.
Sinabi ni PHIVOLCS Director Renato Solidum, sa ngayon ay mayroon pa ring magmatic activity sa Taal Volcano.
Sa kanilang latest bulletin, nakasaad na mayroong naitalang dalawang phreatomagmatic events noong Sabado ng gabi at dalawa pa ulit bago sumikat ang araw nitong Linggo.
Nagkaroon din ng 14 na volcanic earthquake, kabilang na ang 10 tremors, na tumagal ng hanggang 3 minuto.
Kaya naman patuloy pa rin aniyang babantayan ng PHIVOLCS ang aktibidad ng Taal Volcano sa loob ng dalawang linggo bago magdeklara ng bagong alert level.