Advertisers

Advertisers

Chinese vessel muling namataan lumalapit sa Scarborough Shoal

0 284

Advertisers

NAMATAAN ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang barko ngChina Coast Guard (CCG) na unti-unting nagmamaniobra patungong Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.

Sinabi ng PCG, nakita nila ang nasabing barko na may bow number na 3305 noong Marso 2 habang nagpaptrolya ang isa sa barko nila na BRP Malabrigo sa karagatang sakop ng bansa.

Ayon sa PCG, malinaw na paglabag ito sa 1972 International Regulations for Preventing Collisions at Sea (COLREGS).



Pahayag naman ni PCG Commandant Artemio Abu, ito na ang ikaapat na araw na nagkalapit ang barko ng sa PCG sa saksakyan ng Chinese Coast Guard sa Scarborough Shoal.