Advertisers

Advertisers

DTI: Higit 30 produkto humihirit ng taas-presyo

0 307

Advertisers

NASA higit 30 produkto na ang humihiling ng price adjustment sa Department of Trade and Industry (DTI).

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, mayroon na kasing tatlumpu’t tatlong produkto ang nagre-request ng taas-presyo sa kanilang mga produkto.

Dahil dito, kasalukuyan nang tinitignan ng Consumer Protection Group ang nasabing hiling para alamin ang magiging batayan na idagdag sa kanilang presyo sakaling maaprubahan.



Paliwanag ni Lopez, malaki talaga ang posibilidad na magkaroon ng paggalaw sa presyo dahil na rin sa umiiral na gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine.